Wednesday, December 28, 2011

Juan dela Cruz ("John of the Cross")



Ang Juan de la Cruz ay isang pagsasagisag na ginagamit sa Pilipinas upang katawanin ang mga Pilipino. Ito ay halos katumbas ng Uncle Sam at John Doeng mga Amerikano. Kadalasang inilalarawan si Juan dela Cruz na nakasuot ng katutubong Salakot, Barong Tagalog, pantalon, at tsinelas. Ginagamit din ang terminong Juan dela Cruz upang banggitin ang pangkalahatang pag-iisip ng mga Pilipino. Ang salita ay nilikha ni Robert McCulloch Dick, isang Eskosyangmamamahayag na naghahanapbuhay para sa Manila Times noong unang bahagi ng ika-1900, pagkatapos niyang matuklasan ang kapalasakan ng pangalang ito sa mga sikante.
Ang pangalan ay galing sa Wikang Kastila na nangangahulugang "Juan ng Krus". Karamihan sa mga Pilipino ay gumagamit ng mga apelyidong Kastila dahil sa 333 taong pananakop nito sa Pilipinas. Malaki rin ang naging papel ng Simbahang Katolika sa pagpapangalan ng mga sanggol, na halos karamihan sa binibinyagang sanggol ay ipinapangalan mula sa mga santo.
Kadalasang tinatawag ng mga aktibista si Juan dela Cruz bilang biktima ng imperyalismong Amerikano, dahil na rin sa dami ng mga karikaturang editoryal noong panahong Amerikano kung saan laging inilalarawan si Juan dela Cruz kasama si Uncle Sam.

No comments:

Post a Comment